Pen Medina Halos Maiyak Sa Pasasalamat Kay Coco Martin Malaking Halaga Ng Pinansyal Na Tulong!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely


Labis ang pasasalamat ng dating aktor na si Pen Medina para sa actor-director na si Coco Martin matapos siyang bigyan nito ng malaking tulong pinansyal noong sumailalim siya sa isang spine surgery.

Matatandaan na noong nagdaang taon ay nanawagan ng tulong pinansyal ang mga anak ni Pen upang maituloy ang pagpapagamot sa kanilang ama.

Agad naman umanong bumuhos ang mga tulong mula sa ilang mga netizens at dating kasamahan sa trabaho subalit, ayon kay Pen, si Coco Martin ang nagbigay ng pinakamalaking tulong pinansyal sa kanya.

Ibinahagi ito mismo ni Pen sa katatapos lamang na media conference para sa panibagong teleserye ng ABS-CBN na Batang Quiapo. Ayon kay Pen, pagkalabas na pagkalabas umano niya sa hospital ay kaagad siyang nagpunta kay Coco Martin upang personal na magpasalamat rito.

Labis din siyang nagpapasalamat dahil inofferan pa siya nito  ng project kung saan makakasama siya sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na FPJ's Batang Quiapo. Kung saan gagampanan niya ang papel ng ama ni Lovi Poe.

Maging ang dalawa pa niyang anak ay binigyan din ng trabaho ni Coco Martin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo