Rendon Labador, Binanatan Si Toni Fowler Sa Kanyang MPL Music Video!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ng pambabatikos ang vlogger na si Toni Fowler dahil sa malaswang music video na kanyang ibinahagi sa kanyang YT channel.


Maging ang social media personality na si Rendon Labador ay tila hindi mapapalampas ang malaswang music video ni Toni Fowler.


Sa kanyang Facebook post, ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya kay Toni Fowler na hindi lamang isang vlogger kundi isa ring ina.


“Nakakadismaya yang ginawa ni Toni. Okay lang sana kung ang mga content creator ay gagawa ng content para babuyin ang sarili nila."


"Ang hindi pwedeng tanggapin ay magbigay ng message sa socmed na babuyin ang moralidad ng kababaihan,” saad ni Rendon.


Dagdag pa ni Rendon Labador, “NAAWA AKO SA ANAK NIYA, Kung [hindi] mo kaya i respeto ang sarili mo.. sana i respeto mo yung future ng anak mo.”


Nanawagan pa si Rendon Labador na iban ang paggawa ng mga ganitong music videos at kung maari ay kasuhan ang mga gumagawa ng ganitong contents.


“Paki ban ang video na ito at kung maari kasuhan ang mga ganitong klaseng content creators o kung sino man ang nag produce."


“Ito ay direktang pag wawalanghiya na sa moralidad ng mga kababaihan. Hindi na ito tama!” saad pa ni Rendon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo