Rendon Labador Muli Nanamang Binanatan Si Donnalyn Bartolome Sa Socmed!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Jerome

Muli na namang binanatan ng social media personality, na si Rendon Labador ang actress vlogger na si Donnalyn Bartolome. Ito ay tungkol sa naging tugon umano ni Donnalyn Bartolome sa isang mommy na nakakaram daw ng pagka insecure sa kanyang sarili matapos nitong manganak.

Mababasa naman sa mga comment sa naturang Facebook post na pinuri ng mga netizen si Donnlyn dahil sa kagandahan umano nito. At kapag tumingin naman din daw siya sa salamin ay mas lalo siyang nakakaramdam ng pagka insecure dahil nagbago na daw ang kanyang hitsura matapos ang panganganak. 

Nagbigay naman ng positibong vibes ang vlogger na si Donnalyn upang hindi na ito makaramdam ng pagka insecure sa kanyang sarili. Sabi niya, na sigurado daw siya na mas maganda ito kaysa sa kanya, dahil binuntis ito, eh siya nga daw ay walang bumubuntis. 

"Mommy isipin mo nalang binuntis ka, sobrang ganda mo siguro ako walang bumubuntis, parang talo mo ako sa ganda, wag kanang ma insecure diyan hah. I'm sure maganda ka smile kana." 

Nilagyan niya pa ito ng caption na, "Maganda talaga pag binuntis."

Bagamat maganda naman daw ang intensiyon ni Donnalyn, subalit meron namang mga netizen na hindi nakarelate sa ibig niyang sabihin, at marami naman sa mga netizen ang nagsabi na off ang choice of word niya. 

Kahit na nga ang social media personality na si Rendon Labador ay hindi nakapagpigil na sumawsaw sa nasabing issue. Saad niya, sana raw ay mabuntis na si Donnalyn ng lalaking may utak upang hindi na ito  bobo. 

"To be fair, hindi naman offensive ang statement niya. Sadyang tanga lang tlaga si Donnalyn. Ako na po ang kusang loob na makikiusap na intindihin nalang natin siya. Kawawa yung tao kasi hindi niya alam kung saan siya nag kamali. "


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo