Rhian Ramos Nagsalita Na, Totoong Hiwalay Na sa Boyfriend!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Hindi direktang inamin ni Rhian Ramos sa isang panayam ang buong katotohanan sa napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Sam Verzosa.

Matatandaan na naging mainit na usapin online ang hiwalayan ng dalawa matapos makitang in-unfollow na nila ang isa'-isa sa kanilang Instagram accounts na eventually ay pareho rin ulit nilang finollow ang isa’t isa.

Sinabi lamang ni  Rhian ay magkaibigan pa rin daw sila ni Sam.

"I don’t wanna… I can’t define. Well, I can just say na ayun talaga, I think it’s normal to have problems here and there, I mean, nabasa ko din naman yung mga nasulat na, so I know naman din kung ano yung alam ninyo, parang ganun. And siyempre it’s normal to have problems, disagreements with anyone, kahit friend mo, kahit family mo pa iyan, di ba, nangyayari din iyan. But we’re okay, in the sense na hindi kami magkaaway. And I will always want what’s best or what brings him joy, and I believe that he wants that for me, too,” paliwanag ni Rhian Ramos.

Samantala, makakatambal ni Rhian Ramos ang actor na si Paolo Contis. Ang pelikulang Ikaww at Ako ay mula naman sa ilalim ng direksyon ni Rechie del Carmen at initial movie venture ng Gutierrez Celebrities and Media Production with executive producers MJ Gutierrez and Lexie Salmasan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo