Sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez ang magsisilbing mga bagong host ng fifth season ng The Voice Kids Philippines.
Ibinahagi na ng TV5 ang trailer ng nasabing show sa Twitter noong Biyernes, February 10, na agad namang kinumpirmang dalawang Kapamilya stars na magho-host ng palabas.
"Samahan sina The Voice hosts, Bianca Gonzales at Robi Domingo na kilalanin ang mga bagets na magpapakinang ng kanilang baong talento, simula ngayong February 25 na sa #TheVoiceKids!🎶" tweet ng TV5.
Agad namang bumuhos ang mensahe ng pagbati mula sa tagahanga at kaibigan nina Robi Domingo at Bianca Gonzales sa panibagong hosting stins nang dalawa.
Samantala, nagbabalik coach naman si Bamboo sa bagong season ng The Voice Kids kung saan sasamahan siya nina Martin Nievera at KZ Tandignan.
Kasama sa mga dating coach ng The Voice Kids Philippines sina Lea Salonga, Sharon Cuneta, at Sarah Geronimo.
Sinimulan ng The Voice Kids Philippines ang auditions noong November 2022 sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Tampok dito ang mga aspirants na magagaling sa pagkanta na may edad 6 hanggang 12.
Ang mga naunang nanalo sa nasabing show ay kinabibilangan nina Lyca Gairanod na nanalo noong 2014, Joshua Oliveros na tinanghal na kampeon noong 2016, at Vanjoss Bayaban na nagwagi noong 2019.
Samahan sina The Voice hosts, Bianca Gonzales at Robi Domingo na kilalanin ang mga bagets na magpapakinang ng kanilang baong talento, simula ngayong February 25 na sa #TheVoiceKids! 🎶
— TV5 (@TV5manila) February 10, 2023
📅 Sabado, 8PM | Linggo, 9PM#WeekendTripTV5 #IBAngSayaPagSamaSama pic.twitter.com/aoM7YYEUOB
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!