RR Enriquez hindi kering magka-baby: Kung may magpapa-adopt basta cute at hindi tyanak baka i-consider ko pa

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Sparkle

 



Nairita ang binansagang "Sawsawera Queen" na si RR Enriquez sa mga tanong sa kanya kung bakit hindi pa siya nagkakaanak.


Sa Instagram, ibinandera ni RR ang screenshot ng nagtatanong na netizen kasama ang mahabang caption kung saan ipinaliwanag ng dating aktres ang ilan sa mga dahilan kung bakit wala pa siyang anak.


Tanong ng netizen, "Ms. RR bakit wala ka pang anak?"


Sagot ni RR, naranasan na niyang mag-alaga ng baby pero hindi niya matiis ang ingay lalo na kapag umiiyak siya.


“Seriously….. I just couldn’t stand their noise when they’re crying [weary face emoji] Na-experience ko yan sa mga kapatid ko [hot face emoji] Especially if colic baby. Kaya ang galing ng ibang Moms na kinaya yan,” sey niya sa caption.


Bukod sa ingay, ipinaliwanag pa niya kung bakit ayaw niya ng baby at isa na rito ay ang magpuyat at manganak.


Lahad niya, “Those sleepless nights because need mo magpa dede ng baby. Carrying the baby for 9 months, delivering the baby whether normal or CS then yung magpapa-breastfeed ka pa.. Thinking all of those hindi ko talaga kaya.”



Nilinaw pa niya na sariling opinyon lang ang kanyang ipinahayag at sa tingin niya ay hindi talaga para sa kanya ang pagkakaroon ng anak.


Gayunpaman, lubos niyang hinahangaan ang mga ina na tinitiis ang lahat ng paghihirap para sa kanilang anak.


Saad niya sa post, “But don’t get me wrong! I admire Mom’s na kinaya yan. But having kids is not for me.”


Ang swerte daw niya dahil may asawa siyang gumagalang sa desisyon niya.


Aniya, “And I’m blessed to have a partner who respects my decisions for not having a kid [red heart emoji].


Nakiusap pa nga siya sa publiko na maging sensitive sa mga ganitong klaseng tanong dahil may mangilan-ngilan daw na babae ang sensitive sa mga ganitong klaseng paksa.


“Please be more sensitive to asking that question as if having kids should be a woman’s aspiration [hot face emoji],” post niya sa IG.


Patuloy pa niya, “Isa pa.. Some women wants to get pregnant and hindi sila makabuo.”


“So if you ask them these kinds of questions minsan offensive sa kanila ‘yan coz you don’t know what they’re going through. Nakakadagdag lang kayo ng depression sa iba,” aniya.


Inamin din ng Sawsawera Queen na naiirita siya dahil paulit-ulit siyang tinatanong tungkol sa pagkakaroon ng anak.


Nilinaw din niya na hindi siya kailanman nagseselos sa mga may anak.


Sey niya, “Juskolord trust me I don’t envy those Mom’s na may kids… Natutuwa ako seeing them kasi dream nila yun specially sa mga friends ko. But you have to remember na hindi para sa lahat yan.”


“Basta to be honest happy ako sa dog ko na super behave hindi iyakin,” dagdag niya.


Libu-libong netizens ang sumang-ayon sa sinabi ni RR at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.


“Ako nga hirap magkaanak dahil sa pcos tapos daming nagtatanong kung kelan Ako magkakaanak? Asawa ko nga hindi ako pini-pressure na mag buntis…Tapos ibang tao pa talaga Ang mga atat!”


“SAMEEEEEE TAYO AS IN. Hindi ko ma-imagine sarili ko na may anak like that parang ’di ko kakayanin maging ina ganun.”


“This! ‘di naman kawalan sa babae na walang anak, sana lang ma-realize ng iba na hindi naman anak ang main goal ng mag-partner.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo