Ruffa Gutierrez, Di Kailangan Ng Isang Lalaki Para Magkaroon Siya Ng Alahas!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Lovely

Nagbigay ng saloobin ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa isang panayam hinggil sa pagkakaroon ng lalaki sa kanyang buhay upang may nagbibigay sa kanya ng mga jewelries at flower.

Ayon kay Ruffa Gutierrez, sa isang panayam sa mga miyembro ng press, na hindi niya kailangan ng lalaki para magkaroon siya ng mga alahas.

“Hindi ko kailangang umasa sa lalake para sa mga alahas,” prangkang sagot ni Ruffa.

Ipinahiwatig din niya na palagi siyang bumubili ng mga alahas at bulaklak para sa sarili. Matapang na deklarasyon ng aktres at beauty queen sa media conference para sa pelikulang ‘Martyr or Murderer’.

Gayunpaman, sinabi rin ni Ruffa na kung sakaling bibigyan siya ng isang lalaki ng alahas, magpapasalamat siya rito, bagaman idiniin din niya na kaya niyang bilhin ang sarili niya.

“Kung bibigyan ako, di thank you. But I can buy my own. Flowers and jewelry,” saad pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo