Ryza Cenon Binatikos Sa Social Media!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Jerome

 

Muli na namang napasabak sa bardagulan si Ryza Cenon na may kaugnayan sa nilalabas ng serye na FPJ's Batang Quiapo. Dahil nga sa pag post ni Ryza sa naitalang rating ng kapamilya serye na katapat naman ng rating ng drama show sa kapuso network, ay siya ngayon ay bibabato ng mga maaanghang na mga salita mula sa mga fans ng kapuso network. 

Samantala basi daw sa post ng actress ay doble ang rating na nakuha ng Batang Quiapo na dahilan naman kaya binabanatan siya ngayon ng mga fans ng kapuso network. 

Ibinahagi naman ni Ryza ang mga maaanghang na ibinato sa kanya ng netizen na kung saan daw ai sinabi nito ang pagiging insensitive at pagka ingrata ni Ryza, isa daw din siyang home grown kapuso star bago siya lumipat at nakagawa ng ilang mga project sa kapamilya network. 

Samantala resbak naman ni Ryza sa mga ibinato sa kanya "KJ yarn? Una sa lahat mukha ko pinagtatawanan nyo sa mga memes nyo. Wala rin akong sinabi masama sa GMA. Kesa mastress ako,kagaya mo e maki ride nalang ako para happy lang.Wala naman akong tinatapakan,sa totoo lang sarili ko nga tinatawanan ko e.Kasi ako yung nakalagay.🤣😂😜 Uy! 2023 na!!! Ibahin mo na mindset mo. Nag kakaisa na nga lahat ng network para mapasaya kayo lahat, tapos ito ka sisinisira mo. Tama na po ang kuda. Good vibes lang tayo, support nalang sa lahat ng network."


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo