Naghain ng isang resolusyon si Sen. Risa Hontiveros na naglalayung kilalanin si Dolly De Leon sa kanyang husay matapos maging nominee sa ilang mga award giving bodies sa kanyang pagganap sa pelikulang Triangle of Sadness.
Ayon kay Senadora Hontiveros, nararapat lamang na kilalanin ang galing ni Dolly De Leon dahil siya ang kauna-unahang Pilipina na napasama sa nominasyon sa Golden Globe Awards at British Academy Film Awards.
“Dolly’s nominations show that Filipino stories, experiences, and talent have a place in the halls of prestigious award-giving bodies. What a joy to witness the world fall in love with a Filipino actor.”
Matatandaan na noong January 23, itinanghal si Dolly De Leon biang “Best Actress In A Supporting Role” sa 58th Guldbagge Awards sa Sweden. Ito ang katumbas ng Oscars sa naturang bansa. Nagwagi rin siya sa parehong kategorya sa LA Film Critics Association Awards noong January 14.
Gumawa naman siya ng kasaysayan dahil siya ang kauna-unahang Filipina actress na na-nominate sa 80th Golden Globe Awards sa Los Angeles, United States noong January 10 sa parehong kategorya, subalit nasungkit ang parangal ni Angela Bassett ng “Black Panther: Wakanda Forever.”
Samantala narito ang inahaing resolusyon ni Sen. Risa Hontiveros.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!