Ipinahayag ng actor-politician na si Sen. Robin Padilla ang kanyang saloobin hinggil sa slight physical bullying.
Ayon kay Sen. Robin Padilla na ayos lang siya sa slight physical bullying. Sa katunayan, inaakala na ang physical suffering ay tumulong sa kanyang survival. Naniniwala din siya na madaling i-manage ang physical bullying kaysa sa mental bullying.
“‘Yun pong physical bullying para po sa akin, kayang i-handle ‘yun. Ang hindi po kayang i-handle ‘yung mental kasi ‘yun po ang mabigat. Para sa akin, ngayon ‘yun po ang nararanasan ng ating mga kabataan, ‘yung mental torture,” pahayag ni Sen. Padilla sa Senate Hearing on the implementation of the Anti-Bullying Act.
“Physical torture — sorry po pero — para sa akin, nakatulong pa ‘yun para ako’y maging — ‘di naman po sa usapin lamang ng humarap sa buhay — palagay ko mga 20 percent, 30 percent nakatulong pa ‘yun. Pero ‘yung mental bullying, siguro po ‘yun po ang dapat nating harapin at kung anuman po siguro ‘yung physical bullying ‘pag umabot na sigurong gusto ka nang patayin, ‘yun na ‘yun. Pero ‘yung kadyot kadyot lang diyan, ok lang ‘yun,” dagdag pa nito.
Gayunpaman, ang pahayag ni Padilla tungkol sa pambu-bully ay pumukaw sa interes ng mga gumagamit ng social media. Ang pambu-bully, anila, ay hindi dapat pabayaan sa anumang anyo o intensidad. Nag-alala ang ilang netizens na ang mga pahayag ni Padilla ay mag-uudyok sa mga kabataan na mang-bully.
"ANY FORM OF BULLYING IS NOT AND WILL NEVER BE OKAY. Bakit ba ang hilig n'yo iromanticize 'yung mga ganitong bagay kesyo natulungan kayo? Ayan ang number 1 senator. Pucha. I can't believe y'all voted Robin Padilla over Atty. Chel Diokno"
ANY FORM OF BULLYING IS NOT AND WILL NEVER BE OKAY. Bakit ba ang hilig n'yo iromanticize 'yung mga ganitong bagay kesyo natulungan kayo? Ayan ang number 1 senator. Pucha. I can't believe y'all voted Robin Padilla over Atty. Chel Diokno😨🤮 https://t.co/bEXINMagbu
— Hannah🌷 (@HZRPC1102) February 13, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!