Sharon Cuneta Nagalit at Idedemanda Ang Mga Online Sellers Na Gumagamit Ng Mga Larawan Nito !

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Jerome

 

Sharon Cuneta idedemanda daw ang mga online sellers na ginagamit ang kanyang mga larawan at kanyang pangalan.


Hindi na nga daw nakapagtimpi at nagalit na ang Mega star na si Sharon Cuneta sa mga online seller na ginagamit ang kanyang pangalan para makapagbenta ng kanilang mga produkto ng walang permiso niya. 


Marami na nga daw na mga personalidad ang na biktima ng mga sindikato sa internet na ginagamit ang kanilang mga larawan sa kanilang mga produkto na inilalabas sa internet. 


Ipinakita naman ni Sharon sa kanyang social media account ang isa sa mga pekeng produkto na ginamit ang kanyang mukha para makabenta.


Saad ng Mega Star, "Isa pa po itong fake madami pa silang produkto pang iba ingat po kayo, ginagamit po kaming mga artista ng hindi namin alam, kahit ang produktong ito ay di namin kilala fake po ito."


"Please share and try to inform as many people as you can, pati pa si Doc. Ivy ginamit po nila nag edit pa ng mga video namin fake po lahat iyon."


Dagdag pa ni Sharon sa isa panitong post, "This is not my Facebook account kindly share as many people as you can."





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo