Sharon Cuneta at KC Concepcion Malayo Ang Loob sa Isa't-Isa!

Linggo, Pebrero 26, 2023

/ by Lovely


 Inamin na ng tinaguriang Mega Star na si Sharon Cuneta ang totoong estado ng relasyon nila ng kanyang anak na si KC Concepcion.


Sa panayam ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz kay Mega Star Sharon Cuneta, isiniwalat ni Sharon na may nagsusulsol umano sa kanyang anak na si KC Concepcion na magalit sa kanya.


Nilinaw din ni Sharon na walang katotohanan ang mga kumakalat ng tsismis na ayaw niyang nahihigitan siya sa kasikatan kahit pa ng kanyang mismong anak.


“That is a total lie. Kung meron mang naglagay no’n sa utak niya, patawarin ka ng Diyos," saad ni Sharon.


Hiniling din ng Mega Star na sana ay maalala din ni KC ang lahat ng kanyang mabuting ginawa para rito at ang mga bagay na kinailangan niyang isakripisyo para lamang sa kapakanan ng kanyang anak.


“OK kami, minsan hindi, that’s the truth. Actually, parang I don’t know anything about my eldest daughter’s life. Yung maalala niya sana lahat ng sacrifices ko…"


"Ang magulang naman ang gusto lang appreciation, respect, a little acknowledgment,” paglalahad ni Sharon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo