Sikat Na Vlogger Si Boy Tapang Pina-Tulfo Ang Girlfriend Na Manggagamit?

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang isyung kinakaharap ng nagpakilalang magjowa na sina Boy Tapang at LJ Satterfield.

Matapos ang palitan nila ng mga maaanhang na mga pahayag ay lumabas naman ang balitang dumulog na umano sa tanggapan ng programa ni Sen. Raffy Tulfo si Boy Tapang upang ireklamo si LJ.

Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon na doon na lamang sa tanggapan ni Raffy Tulfo itutuloy nila ang pagbubunyag ng mga baho ng isa't-isa.

Tila sa tanggapan na nga ni Raffy Tulfo magwawakas ang kanilang love story na nagmula sa inspiring story sa Kapuso Mo Jessica Soho. Matatandaan na nai-feature pa ang dalawa sa isang episode ng KMJS dahil sa nakakainspire na storya sa likod ng kanilang relasyon.

Subalit, ngayon inamin na ng dalawa na scripted lamang ang lahat na balak pang sundan ang landas nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Tila malinaw na rin ngayon sa lahat na maraming views at subcribers sa kanilang channel.

Samantala, tiyak na kung ano ang ikinasweet nila sa KMJS ay siyang kabaliktaran naman sakaling matuloy sila sa Raffy Tulfo in Action. Kaya naman ang ibang mga netizens ay naghahanda na ng popcorn dahil tiyak na magiging mainit ang mga kaganapan at pagbabatuhan nila ng salita sa nasabing programa.

Matatandaan pa na noon pa mang unang pinakilala ni Boy Tapang si LJ Satterfield marami na ang nagdududa sa totoong intensyon nito sa lalaki. Kaya naman sa pagkakabunyag sa totoong relasyon nila napatunayan ng mga netizens ang totoong habol nila sa isa't-isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo