Skusta Clee, Nagparinig Kay Zeinab na Nais Makasama ang Anak sa Kanyang Birthday!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely

Naging mainit na usapin online ang ibinahaging post ni Skusta Clee kung saan ipinahayag niya na nais niyang muling makasama ang anak kay Zeinab na si Baby Bia.

Ipinahayag ni Skusta Clee na nais niyang makasama ang kanyang anak kahit man lang sa kanyang birthday sa darating na February 16.

"Kahit si Bia lang sa birthday ko," post ni Skusta.

Agad naman itong umani ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens. May mga sinisisi si Skusta at sinabing tama lamang na hindi niya makasama ang kanyang anak dahil napaka babaero niya at napakasama umano ng kanyang ginawa kay Zeinab.

Samantala, ipinagtanggol naman siya ng ilang mga netizens at ipinuntong kahit na ano man ang nagawa ni Skusta ay may karapatan pa rin siya kay Baby Bia, bilang ama nito.

"Kulet ng mga tumatawa dito e no! Walang perpektong relasyon. Walang perpektong magulang! Pag naranasan nyong ilayo sainyo anak niyo mararamdaman nyo nararamdaman nya ! Di sa pinagtatanggol ko sya ! Pero pag family matters na dapat alam nyong labas na kayo Dyan . Kahit sobrang hate nyo Yung tao !"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo