Sotto Family Nagluluksa Ngayon Sa Pagpanaw Ng Isang Kaanak, Vic, Pauleen, Kristine Hermosa Nakiramay

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Jerome

 

Nagluluksa ngayon ang pamilya Sotto dahil sa pagpanaw ng isa nilang kaanak nito lamang February 18. 


Si Mabel Academia Sotto ang pumanaw na kaanak ng mga Sotto, si Mabel ay asawa ni Maro Sotto na nakababatang kapatid nila Vic Sotto, Val Sotto at Tito Sotto. 


Ayon sa nakalap na ulat si Mabel ay pumanaw sa sakit sa liver. Siya ay 60 years old, kasalukuyan namang nakalagak ang kanyang mga labi sa Heritage park sa Taguig City.


Biglaan daw ang naging pagpanaw ni Mabel dahil noong nakaraang taon daw ay malakas pa ito at madalas nga daw ito makita sa mga okasyon ng Family Sotto. 


Agad namang bumuhos ng mensahe ng pakikiramay mula sa mga netizen at sa mga kaibigan nila ang natanggap ng pamilya. 


Samantala nagbahagi naman si Pauleen at ang ibang kaanak ng mga larawan na kapiling nila si Mabel noong ito ay nabubuhay pa. 


Kasalukuyan namang nasa Heritage park ang karamihan sa Sotto family para sa lamay at mag bigay ng respito sa namayapa nilang kaanak. 






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo