Stomach Girl, Nagsorry Na Pero in Japanese Language na Bahala na si Go0gle!

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Lovely


 Nag-viral muli ang umano'y mandaraya sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga matapos itong humingi ng tawad sa wikang Japanese.


Tinawag na “Stomach Girl” si Lyka Alburo matapos makatanggap ng backlash online matapos ang kanilang pagsali ng “Pinoy Henyo” noong Valentine’s Day episode ng longest-running noontime show na Eat Bulaga. 


Si Stomach Girl’ ay binash nang husto dahil sa iniulat na paglabag nito sa mga patakaran ng sikat na game show.


Maging ang ilang mga Eat Bulaga hosts ay tila nagparinig na rin dito kung saan sinasabi nilang mapaparusahan ang mga mandaraya.


Ipinahayag din ni Joey De Leon na dahil sa pandaraya ay nawawala ang kasiyahan sa isang laro.


Samantala, viral ngayon ang isang video kung saan humihingi umano ng tawad si Stomach girl gamit ang wikang Japanese na hindi naman maintindihann ng ibang Japanese speaking netizens.


Ayon naman sa ilang netizens na sinusubukan lamang ni Stomach na makakuha ng atensyon online. Tila sinadya pa umano nito ang pagbahagi ng video upang pag-usapan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo