Suzette Doctolero, Pinatulan Ang Netizen Dahil Sa Sinabi Ukol Sa Ratings Ng Maria Clarra at Ibarra!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Lovely

Hindi pinalampas ng GMA screenwriter na si Suzette Doctolero ang komento ng isang netizens na sumagot sa kanyang naunang tweet hinggil sa ratings  ng mga palabas ng ABS-CBN at GMA7.

"Combined din naman ang sa kanila. Combined vs combined," tweet ni Suzette. 

Agad naman itong sinagot ng isang netizen, "Puwede pang idagdag ang kasunod na show ng 2 para mas mataas ang combined ratings." 

Tila natrigger naman ang writer at kaagad na naglabas ng isang mahabang tweet bilang sagot sa naging pahayag nito.

Sabi ng GMA writer, lahat ay pwedeng idagdag pero hindi mawawala sa kanya kung mas gusto ng netizen ang isang palabas na nagsusulong ng "machismo." 

"Idagdag mo na lahat, warka, not my loss, kung ang gusto mong show ay nagpopromote ng kaisipang may isa lang na tagapagtanggol at machismo, na magbabalik sa aton sa era ng patriarchy na nilalabanan ng Mcai. tapos ang paandar mo sa lahat ay mulat ka? Neknek mo!" 

Muli namang nilinaw ni Suzette na wala siyang galit sa katapat dahil malapit na umano nila itong makatrabaho. Subalit, tila hindi pa rin kumbinsido ang maraming netizen rito.

"Hindi ka pa galit sa lagay na yan. Di mo kasi akalain na kakagatin ng masa ang kalaban niyong show kaya pina-extend mo pa ung show mo. Kaso kahit walang prangkisa nanguna yung kalaban nyo. Iyak na lang."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo