Tameme Ang Mga Bashers Matapos Magpakitang Gilas Ni Deanna Wong Sa Laban Kontra Army Black Mamba!

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Jerome

 

Deanna Wong pinatahimik ang mga bashers matapos na magpakitang gilas sa katatapos lamang na laro nila, laban sa  Army  Black Mamba.


Trending nga ngayon at mainit pa din na pinag-uusapan sa social media ang katatapos lang na laban ng Choco Mucho laban sa Army Black Mamba.


Umabot nga daw sa 5th sets ang laro sa score na 3-2, si Regine daw ang itinanghal na player of the game habang si Deanna Wong naman ay pinahanga ng husto ang mga netizen. 


Dahil sa determinasyon ni Deanna Wong na ipinamalas sa laro, at kung noong nakaraang laro nga daw nila ay na bash siya ng husto at sinisisi pa ng ilan dahil umano sa pagkatalo ng kanilang team.


Ngayon naman ay puring-puri siya ng mga netizens at pinatunayan niya sa kanyang mga bashers na may ibubuga siya sa laro.


Umani ng maraming reaction ang mga ipinakitang galing ni Deanna Wong sa laro lalo na daw sa dropball na dalawang beses niya ginawa sa laro.


Magaganda din daw umano ang mga sets na ginawa ni Deanna Wong at hindi din sinukuan ng spiker na si Regine kaya naman nagresulta ito ng maraming puntos nila. 


Kahit wala nga daw ang kapitana nila na si Bea De Leon at hindi naman daw ito naging hadlang upang maipanalo ng Choco Mucho ang larong ito.


Sa magandang laro nga daw na ipinakita ni Deanna Wong ngayon ay tila daw pinatahimik niya ang kanyang mga bashers dahil dito dahil sa ginawang 15 sets at 8 points.


Kaya naman proud na proud nga kay Deanna Wong ngayon ang kanyang mga supporters at mga tagahanga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo