Sa gitna ng hinaharap na reklamo ngayong ng actor-host na si Luis Manzano dahil sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa Flex Fuel investment scam, naglabasan na ang mga taong nag-invest rito dahil na rin sa pagtitiwalang si Luis Manzano nga ang nagpapatakbo rito.
Matatandaang mainit na pinag-uusapan noon na ang pagkaka-scam kay Tom Rodriguez at pagkaubos ng ari-arian at pera ang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ni Carla Abellana.
Ayon sa mga haka-haka, tila malinaw na umano ngayon kung sino ang nang-scam kay Tom Rodriguez at kung nasaan na umano ang pera nito. Ang na-invest umano ni Tom Rodriguez sa negosyong Flex Fuel ay umabot sa mahigit 22 million na para sana sa future nilang mag-asawa.
Noon pa man ay hindi na nilinaw ng mag-asawa kung sino sa mga naging kaibigan nila ang nangloko kay Tom, subalit lumabas rin ang kaparehong digits na 22 million pesos na umano'y na scam mula sa mag-asawa.
Sa ngayon ay si Luis Manzano ang inireklamo ng 100 katao na nag-invest rin sa Flex Fuel ng tig-iisang million dahil pangalan umano ni Luis ang ginamit upang sila ay magtiwala at mag-invest.
Gayunpaman, naglabas na ng pahayag si Luis Manzano at pinabulaanan ang pagkakasangkot niya sa investment scam na ito.
Ayon kay Luis, siya mismo ay nalugi rin umano rito at tinakbuhan pa siya ng kanyang best man na umutang sa kanya ng 66 million. Nilinaw din niya na nagresign na siya bilang chairman sa Flex Fuel noon pang nagdaang taon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!