Tom Rodriguez, Muling Nag Deactivate Ng Social Media Accounts!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin saang muling pagdi-deactivate ng kanyang social media ni Tom Rodriguez kasunod ng guesting ni Carla Abellana sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda.

Nakadagdag sa kontrobersiya ng aktor ang paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Carla Abellana pagkatapos lamang ng tatlong buwang kasal. Around that time, in-deactivate din ni Tom ang kanyang IG account, though like today, wala rin siyang indikasyon noon kung bakit niya ginawa iyon.

Subalit, malakas ang paniniwala ng mga netizens na ang dahilan ng pagdedeactivate ng aktor sa kanyang social media account ay ang hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.

Kaya naman muling iniisip ng mga netizens ngayon na ang dahilan sa muling pag deactivate ni Tom sa kanyang social media account ay ang mga binitiwang pahayag ni Carla sa panayam ni Boy Abunda rito.

“Sakto after ng interview ni Carla sa Fast Talk ni Boy A. Grabe sana magpa interview din sya para makuha din side nya.”

“Wala naman masama sinabi si Carla. Hindi lang niya kinaya si Tom, sino bang babae gusto magpakasal tapos 2 months lang ang itatagal. Kung sa iba para lang hindi mapahiya magpapakamartyr para lang sabihin na nag tagal ang marriage.”

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbigay ng paliwanag ang aktor sa totoong dahilan ng kanyang account deactivation.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo