Toni Fowler Artista Na Pinili Mismo Ni Coco Martin!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng online personality na si Toni Fowler na kasama siya sa cast ng ABS-CBN teleserye na “FPJ’s Batang Quiapo” na pagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.

Sa isang Facebook post, ni-reveal ni Toni ang kanyang character name na “Chikey”. Sa comment section, mababasa ang masasayang komento ng kanyang mga followers.

Samantala sa naganap na presscon para sa nasabing teleserye, inamin ni Coco Martin na siya mismo ang pumili kay Toni Fowler para sa kanyang role bilang best friend ng leading lady na si Lovi Poe.

“‘Nung nagbubuo ako ng community, sabi ko, naghahanap ako ng totoong tao kasi alam ko sa pamamagitan nila (mga vloggers), makakarelate ang maraming tao,” pahayag ni Coco Martin.

Labis naman ang pasasalamat ni Toni Fowler para sa direktor at leadman na si Coco Martin sa opportunity na ibinigay sa kanya at sa tiwalang kaya niyang gampanan ang role.

Ibinahagi rin niya ang katangian ng character na gaganapan niya sa teleseryeng 'FPJ's Batang Quiapo'.

“Ang role ko dun ay ako ‘yung magiging bad influence na mag-iimpluwensiya kay Ms. Lovi, ang aking bessy na mapunta sa maling landas na ayaw mo maging kaibigan ng anak mo kasi maraming ganitong klase ‘di ba? Parang hala saan ka ba mapupuntang environment… ‘B.I.’ talaga,” aniya.

Mapapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa lahat ng ABS-CBN platforms simula sa darating na Lunes, February 13 at siyang papalit sa timeslot ng “Darna.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo