Toni Fowler Sumagot Tungkol Sa Mga Nanghihingi Ng Reaksyon Video Ni Tyronia Sa Kanyang Music Video!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Jerome

 

Trending pa rin at mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang music video ni Toni Fowler na may pamagat na MPL. Hindi daw na gustuhan ng mga netizen ang content ng kanyang music video kaya naman kaya naman rinatratan daw siya ng pambabash ng netizen at maging ang Toro family ay binabatikos din ng mga ito. 

Dahil dito ay nagsalita na nga si Toni Fowler tungkol sa naturang issue, ayon sa kanya ay hindi daw para sa bata ang nasabing music video. Nasa magulang na daw umano ng mga bata kung papano nila patnubayan ang kanilang mga anak, upang hindi na daw mapanood ito. At nasabi pa niya sa kanyang post ay "pag-ayaw nyo wag nyo panoorin, pakasimple." 

Subalit dahil nga sa mainit ito na pinag-uusapan sa social media ay isa nga sa netizen ang nagkomento sa kanyang social media account na nag rerequest ng isang reaction video ng anak ni Toni Fowler na si Tyronia. Pag tugon naman ni Toni sa nasabing request ay hindi daw niya ipapanood sa anak niya dahil bata pa daw ito siguro pag tanda na niya o pag 18 pa taas na daw ang edad ng anak niya pewede na.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo