Toni Fowler trending dahil sa mal4sw4ng music video, netizens naalarma

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Sparkle

 



MARAMING tao ang nawindang sa bagong kanta at music video ng social media influencer na si Toni Fowler na "MPL".


Tila hindi ito nagustuhan ng publiko lalo na ang music video dahil sa halos hub0't hub4d nilang katawan sa music video na hindi kaaya-ayang panoorin lalo na ng mga bata.


Sa music video kasi, makikita si Toni kasama ang mga babaeng miyembro ng pamilya ToRo na nasa isang bar at nag-iinuman at maya-maya ay nagiging wild at parang kulang sa tela ang mga damit.


Ayon sa netizens, mal4sw4 ang video at natatakot sila na baka mapanood ito ng mga bata lalo na at madaling ma-access dahil nasa YouTube ito at maraming chikiting na gustong manood.


Nag-alala ang iba dahil buntis at may menor de edad ang isa niyang kasama sa video.


Nag-trending agad sa Twitter si Toni dahil sa mga pinapagalitan at pagtawag ng mga netizens sa kanyang music video.


Narito ang ilang komento mula sa publiko:


“Grabe naiimagine ko yung mga batang napanuod na yung MV ng MPL ni Toni Fowler. Sobrang disturbing nya lalo na at may buntis na umiinom, may menor de edad, and mga nanay na nakikipaglap-lapan. Ang mga bata pa man din ka ngayon kung anong makita nila, akala nila tama na.”


“I’m just wondering how your daughter will react to this in the future. She would be the center of judgments of her peers by the time she reaches her teenage life.”


“Shocks! Minsan gusto ko na din questionin pagiging nanay nung toni fowler sa mga pinaggagawa nya. Napadaan sa news feed ko ung music video nya. Jusko po! May anak ka pa babae girl.”


Mukha namang deadma lang sa bashers ang social media influencer dahil nag-post pa ito sa kanyang Facebook account.


“SALAMAT PO SA MGA NAGBA-BAASSHH SA BAGO KONG KANTA #MPL MASYADO NYO KONG PINAPAYAMAN HAHA! LABYU,” sey ni Toni.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo