Sa ngayon ay inaabangan pa rin ang opisyal na statement mula sa AMBS hinggil sa pagpapahinto ng ilang mga programa ng ALLTV.
Ang ALLTV ang free to air broadcast television network na mapapanood sa channel 2 na dating channel ng ABS-CBN.
Sa katunayan ay naglast taping day na ang ilang mga programa na pansamantala munang mahihinto. Gayunpaman, ipinangako naman ng management na babayaran pa rin ang mga talent fees ng mga artista bilang pagsunod sa kanilang kontrata.
Balak sanang mag full launching ang AMBS noong January 2023 subalit hindi ito natuloy dahil hindi pa rin natatapos ang ilang mga facilities ng AMBS kagaya na lamang ng ipinapatayo nilang studio sa Mandaluyong, City.
Samantala, dahil sa nangyaring ito may mga nagsasabing isa sa mga nagdulot nito sa AMBS ay walang iba kundi si Toni Gonzaga. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin pinag-iinitan ng ilang mga kakampink si Toni dahil sa pagsuporta nito kay PBBM noong kasagsagan ng Presidential campaign.
May mga nagsasabi pa na kahit anong gagawin ni Toni ay susundan lamang siya ng boycott.
Baka naman puwede bilhin ni mommy Pinty yung low tv rating? Anak nya yan eh…🤔🤪😂 #ALLTV https://t.co/Fy1pwW1KBu
— Papi (@rommelpm) February 4, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!