Vice Ganda, Akala Pina-Prank Ng Netizen Na Pumupuri Sa Kanya!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Ni retweet ni Vice Ganda ang isang tweet ng netizen kung saan tila ipinagtatanggol siya sa kanyang mga bashers.

Ipinagtanggol ng nasabing netizen si Vice Ganda at sinabing kailangan munang kilalanin ng lubusan ang komedyante at kailangan din ng talino upang malaman kung gaano ito kabuting tao.

"Kung matalino kang tao, maiintindihan mo ang katalinuhan, lawak ng kaalaman, at karisma ng mga artistang katulad nina Vice Ganda," pahayag ng netizen.

Talagang na-appreciate ng komedyante ang tweet at sinabing inisip niya noong una na magkakaroon ng catch sa dulo ng tweet.

Gayunpaman, lumabas na seryoso ang netizen at hindi lang niya binibiro ang komedyante. Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Vice at sinabing ang tweet na ito ay nakakataba ng puso. 

"Grabe naman tong thread na to. Akala ko may bawi sa dulo e. Kala ko ishaprank pero serious pala. Anu po GCash nyo? Chozzz! Seriously, THANK YOU VERY MUCH! Pwede nako di kumain the whole day. Binusog mo nako." 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo