Umani ng reaksyon ang Kapamilya comedian at TV host na si Vice Ganda mula sa mga guro sa kanyang pahayag tungkol sa class recitation.
Naging paksa sa mga usap-usapan online ang It’s Showtime host kasunod ng kanyang paglabas sa show bilang “YourMeme” sa isang segment.
Ang komedyante ay nagbigay ng kanyang pananaw tungkol sa practice ng mga guro sa klase.
Kung mahalal, sinabi ng “YorMeme” na hahadlangan niya ang mga guro na tumawag sa mga estudyanteng hindi nagtataas ng kamay tuwing may recitation.
Ipinunto niya na ang guro ay dapat magbigay ng solusyon, o kung ang sagot ay hindi alam ng mga estudyante ay huwag nang magtanong.
Inilahad pa niya na baka magkaroon ng mental damage ang estudyanteng hindi alam ang sagot sa isang recitation dahil sa pagpapahiya rito.
Kaagad namang umalma ang mga guro sa naging pahayag ni Vice Ganda. Dahil mayroon umano silang iba't-ibang teaching appproach upang maturuan ang kanilang mga students.
Isa din umano itong teaching technique upang malaman ng guro kung may natutunan ba ang estudyante sa mga itinuro ng teacher.
May isa pang guro na nagsulat ng open letter kay Vice Ganda kung saan ipinahayag nitong walang karapatan si Vice Ganda na panghimasukan ang trabaho nilang mga guro.
Ipinunto pa nito na bago magbigay ng pahayag ay dapat may research munao itong mabuti.
An Open Letter to @vicegandako ❤️ pic.twitter.com/ZaqPy582YS
— Jelford Teves (@sirjayt88) February 26, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!