Vice Ganda May Pasaring Sa Dayaan Ng Pinoy Henyo?

Lunes, Pebrero 20, 2023

/ by Lovely


 Tila updated si Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga kaganapan sa katapat ng kanilang show na na Eat Bulaga ng GMA7.


Nabanggit kasi ni Vice Ganda ang dayaan umano na nangyari sa isang episode ng Pinoy Henyo segment ng Eat Bulaga.


Kumakalat ngayon ang isang video na kuha mula sa episode ng Pinoy Henyo sa Eat Bulaga noong February 14.


Kung saan pinaghihinalaan ng maraming mga netizens na nandaya ang couple upang manalo ng papremyo.


Sinadya umanong banggitin ng dalawa ang tamang sagot na pinapahula sa Pinoy Henyo ng walang tunog.


Samantala, sa recent episode ng segment na Girl on Fire ng It's Showtime, tinanong ni Vhong Navarro ang isang contestant kung pinanood na ba nito ang naunang segment.


Sa kadahilanang makakuha ng hint sa kanyang magiging kakompetensya para manalo. Sinagot naman kaagad ito ng kalahok at inamin na nanonood siya.


Doon na sumingit si Vice Ganda at sinabing baka Pinoy Henyo ang pinapanood ng kanilang contestant.


"Etchusera! Nakita kita Pinoy Henyo ang pinapanood mo eh, at talagang pinababagal mo yung pinanood upang malaman kung totoong sinabi pa ang word na 'stomach'."


Nagtanong pa si Vice kung totoo bang binulong ang salitang 'stomach' ng kontestant.


Matatandaan din na maging ang ilang mga host ng Eat Bulaga ay nagpasaring din sa nasabing pandaraya.


Naglabas na rin opisyal statement ang babaeng sangkot sa pandaraya at ipinagdidiina nilang 'fair and square' ang kanilang pagkapanalo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo