Vice Ganda Rumesbak Na! May Sagot Na Sa Mga Taong Nagsasabing Mabaho Ang Kanyang Hininga!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


ViceGanda rumesbak na sa mga taong nagsasabing mabaho ang kanyang hininga.


Tila rumesbak na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga taong nagsasabing mabaho ang kanyang hininga.


Matatandaan na prangkang ipinahayag ng kolumnistang si Cristy Fermin na amoy imburnal at patay na daga ang hininga ng TV-host.


Ayon pa kay Cristy Fermin isang malapit na kaibigan ni Vice ang kanilang source sa balitang ito.


Matapos ang ilang linggo, naglabas na si Vice Ganda ng pahayag ukol rito sa isang segment ng kanilang noontime show na It's Showtime.

 

Ayon kay Vice Ganda, di baleng mabaho ang kanyang hininga basta't may nagmamahal sa kanya ng totoo.


Dagdag pa ni Vice na si Sleeping Beauty nga isang daang taong natulog. Ni hindi naghilamos o nagsipilyo pero hinalikan at pinakasalan.


"Naniniwala ako sa pag-ibig. Di kailangan mabango ang hininga mo at malinis ka sa katawan. Hello, si Sleeping Beauty nga 100 years na nakatulog, di naghilamos at di nagmumog pero hinalikan at pinakasalan."


"Dahil kung mahal ka, mahal ka. Kahit dugyot ka."


Bagama't hindi naman tahasang binanggit alam na ng mga netizens kung sino ang talagang pinapatungkolan ni Vice Ganda sa kanyang pahayag.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo