Vilma Santos Bumuhos Ang Luha Sa Investment Issue Ni Luis Manzano!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


Emosyunal na ipinahayag ni Vilma Santos ang kanyang saloobin hinggil sa pagkakasangkot ng anak sa isang investment scam ng Flex Fuel.

Bumuhos ang luha ng Star For All Seasons na si Vilma Santos nang maitanong sa kanya ni Boy Abunda kung ano ang kanyang saloobin sa hinaharap na reklamo ng kanyang anak.

Ipinagdidiiinan ni Vilma Santos na walang katotohanan ang mga binibintang sa kanyang anak dahil hindi umano nito magagawa ang manloko. Sa katunayan ay tumutulong pa umano ito sa mga taong lumalapit sa kanya.

Hiling pa ni Vilma Santos na sana ay huwag naman kaagad husgahan ang kanyang anak dahil hindi ito masamang tao at kilalang-kilala niya ito bilang isang ina.

Kaya naman sana'y tigilan na umano si Luis sa mga paninira at kung maari ay siya na lamang ang batikosin huwag lang ang kanyang anak.

Panalangin naman niya sa Panginoon na sana'y gabayan sila nito lalong-lalo na si Luis na malampasan ang kinakaharapp nitong pagsubok.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo