Vilma Santos Nagsalita Na Sa Pagkadawit Ng Pangalan Ni Luis Manzano Sa Investment Scam

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Jerome

 

Vilma Santos nagsalita na sa kasong kinasangkutan ng anak na si Luis Manzano.

Ayon kay Vilma Santos ay handa umano siyang protektahan ang kanyang anak, dahil alam daw niyang walang kinalaman ang anak sa kinasangkutang issue nito sa Flex Fuel. 

Saad pa ng actress na gagawin daw umano niya ang lahat malinis lang ang pangalan ng anak na si Luis Manzano. Dahil hinding-hindi daw siya naniniwala na may kinalaman ang anak sa na sabing investment scam. 

Nadismaya naman si Vilma Santos sa mga maling paratang at mga pinagsasabi ng ibang tao tungkol kay Luis Manzano, at bilang ina ay nasasaktan daw umano siya. 

Samantala hinahabol ngayon si Luis ng mga investors ng Flex Fuel dahil gusto nila na maibalik ang pera nila na ininvest sa nasabing kompanya. Matatandaan naman na inamin ng actor-host na si Luis Manzano na hindi daw umano siya ang nagmamay-ari ng kompanya ngunit may malaki lang daw siyang posisyon dito.

Nasa 30 katao na mahigit ang lumapit sa NBI para mapanagot ang dapat managot, kaya iniimbistigahan na ang naging partisipasyon ng actor sa nasabing investment scam. Ngunit mariin naman na itinanggi ng actor na siya umano ay  may kinalaman dahil maging siya din daw umano ay biktima ng kanyang kaibigan na si Bong Medel

Hindi naman nakapag pigil si Senator Raffy Tulfo kaya umaksyon na rin ito at sinabi niyang ipapakulong daw niya ang mga dapat managot, at kabilang na nga rito ang actor na si Luis Manzano.

Ayon naman sa balita ay hindi daw naniniwala si Senator Raffy Tulfo na hindi alam ni Luis ang mga hindi magandang galawan sa loob ng companya lalo pa at mayroon itong mataas na katungkulan o posisyon sa kompanya at lahat daw umano ng mga kilos ay dadaan daw muna sa kamay ng actor.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo