VIRAL: Artwork sa loob ng National Museum, ginawang phone stand para sa TikTok video

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Sparkle

 



May follow-up post na "for awareness" ang freelance artist na si Rodney James De Guzman kasunod ng pagiging viral ng kanyang video ng ilang kabataan sa loob ng National Museum of Fine Arts sa Maynila.


Umani ng maraming atensyon at reaksyon ang post ni Rodney sa Facebook noong February 15, 2023.


Sa 17-segundong video clip, ipinakita ni Rodney ang dalawang kabataan—isang babae at isang lalaki—sa isang sulok ng museo.


Makikita silang sumasayaw at kinukunan ang kanilang dance steps gamit ang cellphone camera.



Isang puting marble art piece na nakapatong sa pedestal ang ginawang cellphone support.


May paalala pa nga na bawal hawakan ang artwork.


Caption ni Rodney sa kanyang post (published as is): “mag appreciate at matuto, magTIKTOK at patungan ng cellphone ang artwork."


Sundot ni Rodney, “FYi that is a marble artwork, nakalagay na do not touch, PINATUNGAN NAMAN!”


Ang video ni Rodney ay mayroon nang 1.1 million views at 23,000 reactions, as of this writing.


Nakuha na rin ito ng ilang mga media news outlet sa TV at online.


Inihayag pa ni Rodney, hindi ito isolated case. Aniya, marami siyang nakitang kabataan na gumagamit ng TikTok sa loob ng National Museum.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo