Walang Offer? Francine Diaz 'Susulutin' Ang Dyesebel Kay Andrea Brillantes!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Jerome

 

Tinanong ang young actress na si Andrea Brilliantes kung kasado na daw ba ang napapabalitang pagganap niya sa remake ng Dyesabel. Ang clasic na obra maestra ni Mars Ravelo.


Ayon naman kay Andrea na nagulat daw siya sa ganong balita dahil wala pa naman daw offer sa kanya ng Kapamilya network. 


Katunayan nga daw ay wala daw siyang alam kung saan ng galing ang ganoong mga balita. 


Gayunpaman daw ay nagpapasalamat naman daw siya sa mga positibong feedback ng kanyang mga tagahanga, na naniniwala sa kanyang kakayahan ng kumalat ang nasabing spekulasyon.


Dagdag pa niya na pangarap daw talaga niya na gumanap bilang isang serena, isa rin daw yon kung bakit niya pinasok ang showbiz. Naging audition nga daw niya ang role na isa siyang serena ng nag sisimula pa lamang daw siya sa showbiz.


Samantala dahil naman sa development na ito ay nagbubunyi naman daw ang mga fans ni Francine Diaz. Pahayag nila, mas may K daw na ang kanilang idulo ang gumanap na serina dahil daw sa height nito.


Dagdag pa nila na dahil daw hindi pa sigurado si Andrea na mapupunta sa kanya ang role ay malaki daw ang chance na makuha pa ito ni Francine.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo