Whamos Cruz, Dismayado Sa Mag-Asawang Sinagip Niya Sa Ilalim Ng Tulay?

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Jerome

 

Nagviral ngayon sa social media ang bagong issue na kinakaharap ng vlogger na si Whamos Cruz tungkol sa pamilyang kanyang tinulungan noon na makaalis at makalipat sa maayos na matitirahan mula sa tenitirahan nito sa ilalim ng tulay. 

Kung matatandaan ay mag-iisang buwan palang ang lumipas ng tulungan ni Whamos Cruz ang pamilyang ito na nakatira sa ilalim ng tulay, at mailipat sila sa maayos na matitirahan. Matapos naman itong makalipat ay sinurpresa pa ng vlogger na si Whamos Cruz ang pamilyang ito ng mga groceries at appliances, alahas at bagong cellphone at may kasama pang financial na tulong. 

Pinangakuan rin ng vlogger na siya rin ang sasagot sa isang taong renta ng linipatang bahay ng pamilyang ito upang hindi na umano sila mamuroblema sa buwan-buwang bayarin ng kanilang nilipatang bahay. Para naman papano ay makapag-ipon ang mag-asawa mula sa trabaho ng mister sa pagdyadyanitor. Sinabihan din daw sila ni Whamos na 'wag mahiyang kuntakin sila kung kinakailangan dahil handa daw silang tumulong. 

Subalit parang nadismaya si Whamos Cruz ng mapanood ang video ng isa rin umanong vlogger na si Kuya Leo Cares, dahil itinampok nito ang pamilyang kanyang tinulungan kamakailan na kung saan tila lumalabas ngayon na napasama pa ang kanyang ginawang pagtulong. Dahil namumuroblema daw ang mga ito dahil sa pambayad tubig at kuryenti.

Samantala, makikita naman sa video na ang asawang babae lamang ang na interview ng vlogger dahil ayon dito ay iniwan na daw sila ng asawa nito at umuwe sa probinsya dala-dala ang mga alahas na binigay ni Whamos. Dahil din dito ay naisipan nalang niyang bumalik sa tulay dahil wala rin daw umano siyang trabaho at inaasahang sahod na pambayad sa buwan-buwang kuryente at tubig. 

Caption naman ni Kuya leo Cares sa kanyang video, "Pamilyang dating nakatira sa ilalim ng tulay ngayon babalik na Bakit!?

10 k ibinigay ni whamos cruz saan nga ba napunta?

Gaano katoo na isang bwan lang ang upa ng bahay hindi isang taon!?"

Dahil nga sa video na ito ay hindi na napigilan ni Whamos Cruz na magbigay din ng kanyang pahayag lalo na at siya nga daw ngayon ay tila pinalalabas na masama sa caption ng nasabing vlogger.

Ito naman ang naging kumento ni Whamos sa naturang vlogger, "Paki Ayos Naman Ang Caption Mo Bro Wag Muna Sana Ako Ilagay Sa Mga Caption Mo Hnd Laging Dawit Ang Pangalan Ko Sa Mga Post Mo."

"Isa Pa Bro Ang Pag Tulong Wag Mong Sagadin Baka Hnd Na Magtrabaho Sila Baka Umasa Nalang Din Sayo Tama Na Tinulungan Mo Ng Isa or Dalawang Beses"

"Sana Huling Dawit Na Ng Pangalan Ko Sa Mga Post Mo Bro Kase Sa Mga Caption Mo Ako Ang Nag Mumukang Masama at Ikaw Ang Nagiging Mabuti Sa Tao."

https://fb.watch/iFGwFQ_hIP/

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo