Maaaring sa wakas ay naranasan na ni Whamos Cruz ang pinagdadaanan ng maraming bagong mga magulang, habang pinapatulog ang kanilang sanggol na ayaw umidlip.
Sa isang video na in-upload sa Facebook page ng social media influencer, makikitang sinusubukan niya ang iba't ibang paraan, mula sa pagduyan kay Baby Meteor at pag-uyog sa kanya pabalik-balik habang kumakanta, hanggang sa pagpapahiga sa kanyang anak sa kama at pagsasayaw sa kanyang harapan, subalit ang lahat ay tila ba walang umubra kay Baby Meteor.
“Naiinis sa ‘yo lalo eh,” maririnig na saad ni Antonette Gail sa background ng video.
Tila si Antonette yata ang may hawak ng camera at kumukuha ng video nina Whamos at Baby Meteor.
Subalit, ipinagdidiinan ni Whamos na nagustuhan ng anak ang kanyang mga pinaggagawa kaya hindi ito natulog.
Sagot naman ni Antonette na kung nakakapagsalita na ang kanilang anak ay tiyak na sinigawan na nito ang ama.
Labis na kinagigiliwan ngayon ng mga netizens si Whamos matapos makita ang labis na pag-aalaga nito sa kanyang partner na si Antonette Gail at sa pagiging hands on daddy nito sa kanilang anak na si Baby Meteor.
Tingnan ang buong video ni Whamos rito:https://fb.watch/ipWiH71X_4/
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!