Whamos Cruz, ipinakita ang pagpupuyat niya para alagaan si Baby Meteor

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Sparkle

 


Umani ng papuri si Whamos Cruz mula sa mga netizen matapos mag-upload ng bagong video sa Facebook kung saan tampok ang kanyang bagong silang na sanggol na si Meteor.

Makikita sa video na ginagawa ni Whamos ang kanyang mga tungkulin bilang tatay para sa kaibig-ibig na sanggol na lalaki.

Ang naging kapansin-pansin sa video ay kailangang gumising ni Whamos bandang 4 a.m. para alagaan si Meteor.

Ayon kay Whamos, karaniwang gising ang baby nila ni Antonette Gail Del Rosario bandang alas-2 ng madaling araw hanggang alas-7 ng umaga. Kahit mahirap, sinabi ni Whamos na gagawin niya ang lahat para mapangalagaan ang kanyang anak.

Pinuri ng mga netizens ang social media star sa pagiging hands-on daddy nito kay Meteor.



Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa mga viral videos niya sa social media, nag-viral din siya pagkatapos niyang sumali sa Idol Philippines kung saan nagustuhan siya ng mga judges doon. Matatandaang sumikat si Whamos at ang partner nitong si Antonette nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang kanilang kaso.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo