Willie Revillame Baka Hindi Na Raw Tanggapin Ng Gma Sakaling Bumalik Ito !

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Jerome




Wowowin host Willie Revillame hindi na daw tatanggapin ng Kapuso network kung sakaling bumalik ito.


Nito lamang daw mga nakaraang araw ay mainit daw na pinag-uusapan ang bulong-bulungan na di umano'y gustong bumalik ni Willie Revillame sa Kapuso network.


Lumabas ang balitang ito matapos na mapabalitang isa ang kanyang show na mawawala na sa ere, ang balitang ito ay isa sa naging usapan sa programa ni Cristy Fermin kamakailan.


Ibinahagi nga ni Cristy Fermin na tila nagpaparamdam na daw ang kampo ni Willie Revillame sa Kapuso network matapos umano itong magpadala ng letter.


Opinyon naman ni Cristy Fermin ukol dito, na baka hindi na daw tanggapin ng estasyon si Willie Revillame dahil sa tinanggihan daw ni Willie noon ang renewal contract. 


Dagdag pa niya na, "Palagay ko hindi na kasi dumating ka na sa puntong na may pamimilian ka eh, namili kana eh diba, iniwan mo na sila eh pumasok kana sa ibang transaksyon diba, ang ganda-ganda ng kalagayan mo dito."


"Pipirma ka ng another year or two years ni hindi mo nga 'yon ginawa eh." 


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng ano mang pahayag ang TV host na si Willie Revillame.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo