Willie Revillame, Ibinida Ang 'Minadaling' Construction Ng Wowowin Studio Sa Isang Mall!

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Muling nagbigay ng pahayag si Willie Revillame sa pamamagitan ng “news segment” niyang “24 Patrol” sa kaniyang programa nitong Lunes ng gabi, February 6, 2023.

Ipinasilip din niya ang ongoing construction ng Wowowin studio kung saan sinabi niyang minadali na ang pagko-consruct upang magkaroon na sila ng live audience.

Ani Willie, hindi raw totoong magsasara na ang ALLTV, bagkus, gumagawa ito ng mga hakbang at paraan upang mas mapaganda pa ang signal at reach nito. Muli niyang iginiit na huwag sanang pangunahan ng ilang bashers ang desisyon ng mga Villar na siyang may-ari ng AMBS AllTV.

Naniniwala umano ang TV host na hindi sila pababayaan ng network at maghintay-hintay lamang daw ang publiko sa mga plano ng may-ari para sa lahat.

Malaki rin ang pasasalamat ni Willie sa lahat ng mga netizens na patuloy na sinusuportahan ang kanilang programang Wowowin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo