Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Willie Revillame sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang programa sa AMBS ALLTV.
Kaagad na inalmahan ni Willie Revillame ang ilang mga pahayag ng mga netizens na umano'y kinarma sila. May mga natatawa pa sa nangyari ngayon sa ilang programa ng AMBS.
Nanawagan din si Willie ng dasal sa lahat para sa ikatatagumpay ng ALLTV, na baguhan pa lamang sa larangan ng TV broadcasting na kaka-soft launching pa lamang noong September 13, 2022.
Samantala, sa kabila ng panawagan ni Willie Revillame inungkat pa rin ng ilang mga netizens ang pagtawa noon ni Willie sa biro ni Harry Roque matapos ang hindi pagrerenew ng franchise ng ABS-CBN. Sa panahong iyon, mapapanood pa sa GMA7 ang programa ni Willie na Wowowin.
"I don't wish for your misfortune Willie. I'll just remember the way you laugh when 11,000 employees lost their dreams and jobs are the ones getting back to you. And everything is political. Everything," tweet ng netizen na pinagkumpara pa ang video noon ni Willie at sa panawagan nito ngayon.
Subalit, pinagtanggol naman siya ng ilang netizens at sinabing cropted na ang nasabing video, hindi na sinali ang pasasalamat noon ni Willie sa ABS-CBN dahil doon siya nagsimula. Sinalag din umano ni Willie ang mga susunod pa sanang hirit ng dating presidential spox, at sinabing hindi nila pag-uusapan ang tungkol sa prangkisa.
I dont wish for your misfortune Willie. I'll just remember the way you laugh when 11,000 employees lost their dreams and jobs are the ones getting back to you. And everything is political. Everything. pic.twitter.com/H3kozD9IDf
— Rod Magaru (@rodmagaru) February 5, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!