Xian Gaza, May Naalala Sa Mga Ibinahaging Instagram Stories ni Zeinab Harake!

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


Nagbahagi kamakailan si Xian Gaza ng isang cryptic post tungkol kina Zeinab Harake at Jelai Andres, na agad nakakuha ng atensyon ng mga netizens.

Makikita sa kanyang Facebook post ang mga screenshots mula sa mga Instagram stories ng vlogger na si Zeinab Harake.

Ang unang screenshot ay makikita si Zeinab na kumakain ng goto habang ang isa naman ay makikitang binati ni Zeinab para sa kanyang kaarawan ang kaibigang si Jelai Andres.

"Natawa naman ako sa story ni Zeinab. Magkasunod pa talaga. Yung una eh nahigop siya ng sabaw. Sumunod ay kasama niya si Jelai. May naalala tuloy ako," caption ni Xian sa mga nasabing larawan.

Kaagad namang bumuhos ang reactions at comments mula sa mga netizens na naalala rin ang siyang naalala ni Xian bagama't hindi nito tahasang binanggit sa kanyang post.

Matatandaan na noong nagdaang taon ay nadawit sa isang intriga si Zeinab Harake kung saan inilabas ni Wilbert Tolentino ng mga screenshots na siyang nagpapakita umano ng totoong kulay ni Zeinab Harake.

Sa kabilang banda, kaagad namang nilinaw na si Zeinab na ang mga inilabas ni Wilbert Tolentino na mga screenshots ay mga cropped na at humingi na umano siya ng tawad sa mga ito kasama na si Jelai Andres.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo