Nagbigay ng kanyang saloobin si Xian Gaza tungkol sa balitang kinahaharap ngayon nina Luis Manzano at Bong Medel Jr. ang isang reklamo sa NBI na inihain ng mga investor ng Flex Fuel, kung saan dating namumuno si Luis bilang chairman. Ipinahayag pa ni Xian na ang kanyang post ay naglalaman ng parehong katotohanan at opinyon.
Iginiit ng mga investor na nagsampa ng reklamo na hindi nila nabawi ang kanilang puhunan sa Flex Fuel matapos mag-invest ng tig-P1 milyon. Sinabi rin nila na pumayag silang mamuhunan sa kumpanya dahil iminungkahi ito ni Luis sa kanila sa isang Zoom conference.
Samantala itinanggi naman Luis Manzano ang pagiging bahagi ng Flex Fuel mula pa noong 2022 at may utang din umano sa kanya ang nasabing kompanya na aabot pa sa mahigit P66 milyon. Hiniling din niya sa NBI na imbestigahan si Bong, na umano'y responsable sa pamamahala at operasyon ng Flex Fuel mula ng kanyang pag-resign.
Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Xian ang kanyang ispekulasyon na si Bong ang nag-propose ng business idea kay Luis pero pinalaki ang inaasahang kita.
Maaaring pumayag si Luis na mag-front para sa kompanya pagkatapos makita ang projection ng kita. Pumayag naman umano ang mga investors na mag-invest dahil sikat na celebrity si Luis na may kredibilidad.
Gayunpaman, kahit walang pananagutan si Luis sa mga operasyon, naniniwala si Xian na maituturing pa rin siyang accessory dahil iminungkahi niya ang investment plan sa mga investors.
Subalit dagdag pa ni Xian, na madi-dismiss ang kaso laban kina Luis at Bong kung mapapatunayan ng dalawa na umiral ang negosyo at kung maipapakita nila mula sa kontrata sa mga investors kung saan napunta ang kanilang pera. Ito umano ang kanyang ginawa kaya naipanalo niya ang lahat ng estafa cases na isinampa sa kanya noon.
“Legally speaking, sasabit talaga si Luis kahit ano pa ang gawin niyang paghuhugas-kamay dahil naging parte siya ng kumpanya. Kahit hindi siya nakinabang financially eh naging accessory siya sa pagkuha ng investments.
“Kung malinaw na malinaw sa kontrata kung saan napunta ang pera nila at napatunayan ni best man at ni Luis sa korte na nag-exist talaga ang mga negosyo, mababasura lang ang kaso at walang patutunguhan ito. I know. Been there. Lahat ng estafa cases ko ay aking naipanalo,” bahagi ng post ni Xian.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!