Nangungupahan ngayon ng bahay sa Quezon City sina Antonette Gail Del Rosario, fiancé niyang si Whamos Cruz, at Baby Meteor Isaiah Cruz.
Ayon kay Antonette, kailangan nilang magkaroon ng dalawang bahay — isa sa Quezon City at isa pa sa Taytay, Rizal — para sa kanilang trabaho.
Samantala sa isang video, ipinasilip ni Antonette ang mga kwarto ng kanilang bagong bahay.
Kinailangan ng mag-asawa na bumili ng bagong crib para sa Baby Meteor pati na rin ng mga bagong laruan. Bumili din sila ng malaking bagong telebisyon para sa kanilang tirahan. Simple lang ang disenyo ng bahay ngunit elegante at maaliwalas.
Matatandaan na naging usap-usapan ang pag-alma ni Antonette sa mga basher nila na dinamay pa ang kanilang anak na si Baby Meteor.
Ayon kay Antonette handa silang lumaban para sa kanilang anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!