Arjo Atayde Binatikos Sa Pagkakaroon ng 37 na Sasakyan!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang pagkakaroon ng 37 sasakyan ng Quezon City 1st District Representative na si Arjo Atayde.


Nagboluntaryo kasi si Arjo Atayde na handa siyang ipagamit ang kaniyang mga sasakyan upang magkaroon ng “libreng sakay” sa commuters na maaapektuhan ng tigil-pasada sa kanilang lungsod, sa darating na Lunes, Marso 6.


“In my own little way, I am willing to help my district and nearby areas here in QC by providing our own vehicles to help the commuters, especially our medical frontliners,” pahayag ni Arjo.


Ito'y sa pakikipagtulungan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.


Kung saan 37 barangay sa QC ang maaabutan ng tulong ni Arjo.


Nanawagan din si Arjo Atayde sa transport groups na makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang makahanap ng agarang solusyon sa problema.


Subalit tila hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang pagsisiwalat ni Arjo na mayroon siyang 37 na personal na sasakyan.


May ilan pang kumukwestiyon sa kakayahan niya at kung paano niya nakuha ang ganoong bilang ng sasakyan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo