Barbie Forteza, Nilalandi Si David Licauco?

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely


 May mga kumakalat ngayong tsika na umano'y nilalandi ni Barbie Forteza ang kanyang ka-loveteam na si David Licauco.


Tinatawag ngayon ng aktres ng mga bashers na isang flirt. Hindi umano nagustuhan ng ilang mga netizens ang pahayag na binitawan ni Barbie sa isang mall tour nila ni David.


Ayon sa kanila, hindi dapat si David ang pagsalitaan ni Barbie ng ganun dahil kung tutuusin siya ang may boyfriend.


Kaya naman kaagad na pinagtanggol ni Manay Cristy Fermin si Barbie Forteza laban sa kanyang mga bashers.


"Alam mo, hindi naman ako payag na pangalanan si Baribie ng malandi. OA naman 'yun. Ginagawa lang po niya ang kanyang trabaho bilang artista. Pinagpa-partner po sila ng GMA 7 sa mga proyekto dahil nararamdaman din naman ng network na malakas 'yung tambalan," depensa ni Manay Cristy Fermin.


Paglilinaw pa nito, "Pero hindi po 'yun pagiging flirt. Lalo na 'nung sabihin ni Barbie na hindi pa raw nila pinag-uusapan ni Jak ang pagse-settle down. Trabaho po 'yan. Hindi natin dapat pini-personal ang mga artista. Kung ano po ang nakatoka na role para sa kanila, ginagawa nila."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo