Naglabas ng isang mensahe para sa mga manloloko ang aktres na si Bea Alonzo sa isang vlog ng socialite na si Small Laude.
Napag-usapan nina Bea at Small Laude ang tungkol sa mga taong mga manlolo at ang mga niloloko.
Kaya naman natanong ni Small Laude si Bea Alonzo kung ano ang kanyang masasabing mensahe para sa mga taong nasa ganitong sitwasyon.
Ayon sa aktres, dapat itigil na ng mga manloloko ang paglalaro sa puso at damdamin ng iba dahil baka mag-iwan ito ng permanenteng peklat at mauwi sa pagbabago ng personalidad ng mga taong niloloko sa hinaharap.
Sinabi rin niya na dapat baguhin ng mga manloloko ang kanilang mga mindset na kaya ng mga babae ang pinsalang iniwan ng mga rogue lovers at maaaring mabilis na maka-move on dahil hindi iyon palaging nangyayari.
"You cannot play with anybody's heart. You really have to stop. I mean, minsan, akalain mo na parang, ‘You can just wing it—okay lang 'yan. She will be able to move on’,” ani Bea Alonzo.
“But what you don’t realize is that you can leave a scar to that person. Minsan, hindi mo alam what it does to that person na minsan, 'yung napag-cheatan mo, hindi mo alam na nag-iiwan 'yun ng bakas na hindi na niya makikilala ‘yung sarili niya in the end,” paglilinaw pa ng aktres.
Sinabi rin ni Bea na seryosong usapin ang panloloko at kapag nalaman ng isang tao na niloloko siya, dapat ay humanap ng paraan para maayos o kaya ay tapusin na lamang ang relasyon.
Sa huli nagbigay rin ng payo si Bea Alonzo sa mga taong niloloko at sinabing magiging maayos rin ang lahat.
“It will get better. You just have to take it one day at a time. It may seem like right now, it’s the end of the world. You’re in so much pain. But I'm telling you, it will be better.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!