Ibinunyag ng legal counsel ng Negros Oriental 3rd District Representative kung bakit hindi pa siya nakakauwi sa Pilipinas.
Sabit ang pangalan ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves sa kaso kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Itinuro siya ng mismo ng isa sa mga suspek bilang mastermind sa nasabing attack.
Sina Teves at Degamo ay magkaribal sa pulitika. Pinatalsik ng huli ang nakababatang kapatid ni Cong. Teves na si Pryde Henry Teves, nang ideklara siya ng Commission on Elections (Comelec) bilang karapat-dapat na nanalo sa gubernatorial elections 2022.
Noong nakaraang Marso 4 (Sabado), inatake si Gov. Roel Degamo sa kanyang tahanan sa Pamplona. Isinugod siya sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay sa insidente. Ang kanyang kaalyado at ilang sibilyan ay namatay din dahil sa pag-atake.
Bago pinangalanan ng isa sa mga suspek na itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, si Cong. Arnie Teves ay naglabas ng isang video kung saan ipinahayag niya na nakatanggap siya ng impormasyon na siya ay ipi-pin down sa pagkamatay ni Degamo.
Samantala si Cong. Teves ay nasa United States pa rin. Lumipad siya sa ibang bansa bago ang insidente para sa kanyang pagpapagamot. Gayunpaman, ang kanyang travel clearance ay hanggang Marso 9, 2023.
Nauna nang ipinahayag ng kanyang kampo na humiling siya ng extension ngunit hindi ito pinagbigyan ng Kamara dahil dapat tiyak ang mga detalye nila sa pagpapa-extend doon.
Kamakailan ibinahagi ng legal counsel ni Cong. Arnie Teves, na si Atty. Toby Diokno, ang dahilan kung bakit hindi pa nakakabalik sa Pilipinas ang Negros Oriental 3rd District Representative.
Batay sa ulat, ipinahayag ng abogado ni Teves na ang kaligtasan ng Kongresista ang inaalala kung bakit hindi pa ito nakakabalik sa bansa.
Nauna nang pinayuhan siya ni House Speaker Martin Romualdez na umuwi at harapin ang mga akusasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!