David Licauco, Naniniwalang Naiintindihan Ni Jak Roberto Ang 'FiLay'!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng saloobin ang aktor na si David Licauco hinggil sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto.


Sa panayam ni Ogie Diaz, ipinahayag ni David ang kanyang saloobin hinggil sa nararamdaman ngayon ng nobyo ng aktres at kalove-team niyang si Barbie Forteza.


Naniniwala umano si David na naiintindihan ni Jak ang kanilang loveteam ni Barbie dahil isa rin itong artista.


"Naiintindihan naman yun ni Jak 'yung situation kasi artista rin siya. Siguro kapag hindi siya artista, I'm pretty sure magseselos siya sa ganu'n kasi hindi niya alam 'yung kumbaga situation sa industry," pahayag ni David.


"But then I believe na mabait na tao si Jak. Masipag siya. And I feel like he's secure naman with himself. I don't think that's an issue. I mean at least for me," dagdag pa ng aktor.


Hiling naman ni David na hindi talaga magseselos o nagseselos sa kanya si Jak dahil ginagawa lamang umano nila ni Barbie ang dapat gawin ng mga magkalove-team.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo