Full Story Ng Pagsugod Kay Gary Valenciano Sa Ospital Sanhi Ng Bagong Sakit Alamin!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Sparkle

 


Naging pag-aalala ng marami ang kamakailang misteryosong post ng OPM Singer na si Gary Valenciano kung saan ipinagdarasal niya ang kanyang sariling kalusugan.


Hindi direktang binanggit ni Gary ang anumang karamdaman ngunit tila ipinahiwatig niya sa kanyang post na may kinakaharap siyang mabibigat na hamon sa buhay ngayon na may kinalaman sa kanyang kalusugan.


Nitong December 14, ikinabahala ng marami ang post sa twitter ng multi-awarded singer songwriter na si Gary Valenciano na may kaugnayan sa kanyang kasalukuyang estado ng kalusugan.




Sa nasabing post, sinabi ni Gary V na kailangan na naman niya ang milagrosong haplos ng Panginoon para malampasan ang mga susunod na gabi.


Humingi rin siya ng tulong sa Panginoon upang hindi mawala ang diwa ng Pasko. Taos-puso siyang nanalangin na panatilihin siyang malusog ng Panginoon sa lahat ng oras.




Agad umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang post ni Gary V. Marami ang nag-aalala sa kanyang kalusugan, lalo na't naramdaman sa kanyang post na tila nasa seryosong kalagayan na naman ang kanyang kalusugan.


Kung intindihin mong mabuti ang post na ito, tila isang himala lamang ang makakatulong sa kanya para malampasan ito. Mababasa rin na ipinagdarasal niya na ma-enjoy niya ang diwa ng Pasko sa darating na December 25.


Hindi maiwasang mag-alala ng netizens dahil kamakailan lang ay nag-post si Gary V na sana ay gumaling na ang pananakit ng kanyang lalamunan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo