Usap-usapan ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang episode ng award-winning magazine show na “Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS)” noong gabi ng Linggo, March 5, matapos itampok ang isang dalagitang nagawa umanong magnakaw ng mahigit ₱2M sa kaniyang lola upang may pambili ng mamahaling K-Pop merch.
Natuklasan umano ng kaniyang “Tita Jasmine” ang mga K-Pop merch ni “Bea,” na labis umano niyang ipinagtaka kung paano nakabili ng mga ganoong collection si "Bea".
Pag-amin ng senior high school student, nakuha raw niyang pagnakawan ang kaniyang “Lola Agnes” na emosyunal namang nagpa-interview at lungkot na lungkot sa ginawa ng apo.
Kung susumahin ang lahat ay aabot ang kinuha ni Bea sa kanyang lola sa 2 million pesos. Ang problema ngayon ng abuela kung paano maibabalik ang perang nakuha ng apo na gagamitin sana niya sa ibang bagay.
Subalit dahil trending ang episode na ito ng KMJS hinalungkat ng mga fans ang social media account ni Bea.
May nakapansin na tila may kakayahan naman talaga ang pamilya nila na mangulekta ng mga K-pop merch at matagal na pala itong nangungulekta.
May nagsasabi pa na tila ginagamit lamang nila ang programang KMJS upang maibenta ang mga merch dahil sa awa sa lolang ninakawan ng apo.
Komento pa ng ilang mga netizens na hindi kapani-paniwala ang kwento ng nagpakilalang Tita Jasmine kung paano natuklasan ang mga merch.
"KMJS TITA JASMINE VERSION OF THE STORY
Naghahanap lamang daw kamakailan si jasmin ng suklay sa kanilang kabinet nong meron syang aksidenteng nadiskubre
Akala mo damit sya pero yung sa likod sa pinakalikod puro sya merch
** beh bat yung suklay nyo sa damitan hinahanap"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!