Ayaw palakihin ni Kim Atienza ang napapabalitang isyu sa pagitan nila ni Vice Ganda. Nag-ugat ito sa pambabara ni Vice sa It's Showtime co-host na si Karylle sa February 2, 2023 episode ng noontime show.
Hindi nagustuhan ng fans ni Karylle ang pambabara ni Vice. Noong araw ding iyon, inamin ni Vice na hindi maganda ang kanyang inarte sa show.
Nasangkot si Kim sa isyu nang ni-like niya ang mga tweet ng ilang netizens na tinawag na 'bully, mainstar diva, laitera' si Vice.
Nag-tweet din si Kim at inilarawan si Karylle bilang isang kind soul, na walang kakayahang magsabi ng mga negatibong komento sa iba. Parang hindi nagustuhan ni Vice.
Kinabukasan, February 3, 2023, nagpasaring si Vice sa mga natuwang makita siyang magkaaway ni Karylle.
Bahagi ng pahayag ni Vice, "Tapos maraming magla-like-like para involved sila. Yes, trending din siya. Nakuha niya yung gusto niya. Ikaw talaga Kuya."
Sa isang eksklusibong panayam, hiningian si Kim na mag-react sa isyu. "Vice and I are friends, magkaibigan kami. Misunderstood lang siguro."
Paglilinaw ni Kim, "In social media, it's very easy to misunderstand a certain post and they put a lot of meaning to things that don't have meaning. Ano lang naman yun, parang wala lang."
Nang tanungin kung nag-uusap sila ni Vice, sinabi ni Kim, "Nag-usap kami, oo. Wala na yun, huwag na lang palakihin."
Nakapanayam si Kim sa mediacon para sa "A date with our soulmates" ng 'Entrasol Platinum' na ginanap sa Grand High Ballroom noong Marso 10, 2023. Sa usapin ng trabaho, sinabi ni Kim na masaya siya sa kanyang career sa GMA-7 .
Isa si Kim sa mga Kapamilya stars na lumipat sa GMA-7 mula nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN noong 2020. October 5, 2021 nang maging Kapuso si Kim.
Malaki ang pasasalamat ni Kuya Kim sa trabahong ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso network.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!