Matatandaan na nagtrending nitong mga nakaraang araw ang isang story na inilabas sa KMJS, tungkol sa isang artistang nakapagnakaw umano sa sariling lola dahil sa kaadikan sa K-Pop merch.
Subalit, sa pananaliksik ng ilang mga netizens lumabas na mayaman naman pala ang pamilya nito.
Hindi rin umano totoong walang alam ang tita at lola nito sa kanyang K-pop collection batay sa mga nakalap na larawan ng mga netizens.
Dahil dito muling binatikos ang team ng programa dahil hindi umano ito nagresearch sa background ng dalagita at basta na lamang inilabas ang story.
Nagmumukha na rin umanong click baiter ang nasabing programa dahil hindi na umano makatotohanan ang mga ipinalabas rito.
Tila hindi pa umano ito nadala sa pananalisi nina Boy Tapang at LJ Satterfield at muli na naman nasalisihan ng gipit story nina Bea, Tita Jasmine at Lola Agnes.
Katuwaan pa ng ilan na hanggang paglipad lamang ang nagawa ng team ni Jessica Soho subalit hindi nakapag-research.
"mag reseach muna kase kayo ng buong team nyo di pwede na lahat kayo tagaluto ng pancit canton."
"Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) lumipad ang team pero di nag research at investigate naknampucha"
"Paano niyo naman papayapain yung gulo na ginawa niyo sa mga kpop fans just for the sake of ratings. Dapat nag research kayo ng mabuti. Parang kayo pa ang nagbabanta sa halip na humingi ng sorry sa mga kpop fans na nagulo niyo."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!